Saturday, August 1, 2015

Comelec Registration sa Pacific Mall Albay

Sa mga taga-Albay, maaari na kayong makapag-parehistro para makaboto sa 2016 elections. Magtungo lamang sa Pacific Mall Albay sa mga sumusunod na petsa.
Huwag kalimutan ang mga kailangang dokumento sa pagpapa-rehistro. (Basahin dito)

06 August 2015 (Thursday)
MALL NAMEEXACT VENUEDISTRICT COVERED
PACIFIC MALL ALBAYSecond Level - Expansion Area
10:00am-5:00pm
Legazpi, Albay
07 August 2015 (Friday)
MALL NAMEEXACT VENUEDISTRICT COVERED
PACIFIC MALL ALBAYSecond Level - Expansion Area
9:00am-5:00pm
Legazpi, Albay
20 August 2015 (Thursday)
MALL NAMEEXACT VENUEDISTRICT COVERED
PACIFIC MALL ALBAYSecond Level - Expansion Area
10:00am-5:00pm
Legazpi, Albay
21 August 2015 (Friday)
MALL NAMEEXACT VENUEDISTRICT COVERED
PACIFIC MALL ALBAYSecond Level - Expansion Area
9:00am-5:00pm
Legazpi, Albay

Friday, July 31, 2015

Basbas ni Pangulong Noynoy Aquino Tinanggap na ni Mar Roxas

Pormal nang inendorso ni Pangulong Noynoy Aquino si Secretary Mar Roxas bilang pambato ng Liberal Party sa 2016 Presidential elections at malugod naman itong tinanggap ng kalihim.

Narito ang laman ng talumpati ni Roxas:

Mr. President; mga kasama sa ating paglalakabay sa landas ng Daang Matuwid; mga minamahal na kababayan:

Una, happy Saint Ignatius Day.

Maraming ginigising na alaala itong Club Filipino. Dito nanumpa si Pangulong Cory noong 1986. Nabanggit na rin ni PNoy kanina, dito niya tinanggap ang panawagang mamuno; at dito niya unang sinabing puwede na muli tayong mangarap. Dito ko unang sinabi ang mga salitang “Bayan bago ang sarili.”

Pamilyar sa akin ang dinaanan ni PNoy; nauunawaan ko nang buo ang pagninilay na kinailangan niyang gawin noong 2009. Labas sa mga kilala talaga ako, kakaunti ang nakakaalam na hindi ko rin binalak pumasok sa gobyerno. May kapatid ako, si Dinggoy; namatay siya noong 1993. Siya sana ang ambag ng aming henerasyon sa prinsipyong pamana ng aking lolo: “Bayan bago ang sarili.” Kakambal na ng dugo namin ang kaisipang ito. Ito ang idiniin sa akin ng ama kong si Gerry at ito rin ang idinidiin ko sa anak at sa aking mga pamangkin: May obligasyon kang magsilbi; unahin mo ang kolektibo kaysa personal; palagi kang mag-ulikid sa mga kababayan mo.

Ilonggo iyon, Bisaya iyon—wala akong mahanap na katumbas na kasama ang damdamin.

Nang nawala si Dinggoy, sa akin lumapag ang responsibilidad na isabuhay ang prinsipyong ito. Hindi ko ito kayang talikuran; hindi ko kayang talikuran ang alaala ng Dad at ni Dinggoy, pati na ng aking Lolo. Tungkulin ko ito: Kahit alam kong magbabago ang buhay ko, at kakailanganin kong lumabas sa nakasanayan ko. I had to do justice to what I had been taught, and to what I knew in my heart was right. I accepted the responsibility.

Doon nagsimula ang buhay ko bilang lingkod bayan. Sa maraming taon sa serbisyo, namulat ako sa mga hamon, sa requirements, sa tama at makatarungang diskarte at pagpaplano para masigurong aabot sa taumbayan ang nararapat na serbisyo. Kasama dito ang pagpapasa ng makabuluhang batas, ang pagpapatibay ng ugnayan sa pribadong sektor, ang pagbuo ng consensus na patas, kung saan tanging taumbayan lang ang panalo.

Sa pagiging lingkod-bayan, ang pinakamahalagang natutunan ko—sa pagpunta ko sa iba’t ibang mga lalawigan, at sa pakikipag-usap ko sa mga kapwa nating Pilipino, magsasaka man, o informal settler, nagtatrabaho sa call center, o ordinaryong mamamayan: Binibigkis tayo ng ating mga pangarap. Hindi iba ang pangarap ko sa pangarap ng bawat Pilipino; I wish for the Filipino people only what I would wish for myself. After all, who are we if not our dreams?

Sino ba naman ang hindi nangangarap ng buhay na maginhawa at may dignidad? Na kapag nagutom ka, may isusubo ka. Kapag nagsikap ka, aasenso ka.

Kapag may gusto ka, may ipinangarap ka, hindi mo kailangang ibenta ang dangal mo, dahil may trabaho ka, dahil may naipon ka, dahil may risonableng paraan para makamit ito. Kapag naglakad ka sa kalye, hindi mo kailagang mangamba. Kapag nagkasakit, o tinamaan ng sakuna, may darating na suporta. Kapag may maling nangyari sa iyo, makakaasa ka sa sistemang may hustisya; makukulong ang nagkasala. Sino ba naman ang hindi nangarap na hawakan ang sariling kapalaran?

Alam nating lahat, at nakita na natin nitong mga nakaraang taon: Ang mga pangarap na ito ay kayang maabot. Kailangan lang ang isang gobyernong nakatutok sa kapakanan ng taumbayan, at tumutotoo sa sinumpaang tungkulin nito; gobyernong mabilis, maliksi, at agarang nakakaresponde sa pangangailangan natin. Propesyunal, hindi transaksyunal. Walang bara-bara, walang patsamba, kundi sistematikong pagtupad sa mga pangarap natin. Isang gobyernong ang tanging pinaglilingkuran ay ang ating mga Boss na nagbigay sa kanya ng mandato at lakas.

Ito ang nasimulan natin sa Daang Matuwid. PNoy allowed us to imagine again what the Filipino is capable of.

Pasensya na po kayo, mababa talaga ang luha ko.

Malakas tayo: Kayang lumaban sa bala, sa diktador, sa pang-aapi. Matibay tayo; madapa man dahil sa sakuna o sa kahirapan, ay babangon at babangon ulit. Mabuti ang Pilipino: Kahit minsan nagsisiksikan o kinakapos na tayo, kaya nating buksan ang loob sa kapwa at sa buong mundo; kaya nating sabihing “Halika, magtungo ka dito, paghatian natin kung ano ang meron kami. Ituturing ka naming kapatid.” We are a serious people who are serious with our dreams, who have just had a taste of what serious, selfless leadership can achieve.

Mr. President, kung maaalala po ninyo, noong 2009, nag-usap po tayo, bago po ninyo tinanggap na tatakbo po kayo. Nagkasundo tayong isantabi ang personal na interes, at isipin kung para saan ba talaga tayo nagsisilbi. Sabi mo sa akin noon, “Hindi mo puwedeng talikuran ang panawagang ipagpatuloy ang laban ng iyong mga magulang.”

Sa pag-endorsong ito, ang pakiramdam ko, ipinapasa mo sa akin ngayon ang mga ipinaglaban nila.

Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil talagang naluluha eh. Malaking karangal po iyon para sa akin, Mr. President.

Napakalaking karangalan nito; at sumusumpa ako ngayon: Hindi ko dudumihan ang pangalan nila. At lalong hindi ko dudumihan ang pangalan po ninyo.

Sa pag-endorsong ito, ipinapasa mo rin ang pangarap at lakas ng bawat isa sa isandaang milyong Pilipino. Mga Boss, hindi ko sasayangin ang tiwala ninyo.
I owe the Filipino as much; and I owe as much to you, Mr. President. I have never met a President who sacrificed so much for the country. I have never met a President who has been able to inspire so much confidence. Namuno po kayo sa pagsasabuhay ng mga paniniwala natin; ipinakita mo kung ano ang kaya nating marating gamit ang political will, ang paninindigan, ang pagkapit sa tama kahit gaano kalakas ang kalaban. Buong pagpapakumbaba akong nagpapasalamat sa iyo, at sa ating mga Boss. Hindi-hindi ako lilihis sa Daang Matuwid. Ibubuhos ko ang lahat; wala akong ititira para sa sarili ko. I will leave everything on the floor para sa labang ito.

Naniniwala ako: Hindi lang ito tungkol sa akin o kay PNoy. Ang Daang Matuwid ay tungkol sa mga pangarap ng bawat Pilipino. Sabi nga ng Pangulo: It is worth fighting for. It is worth sacrificing for, and dying for if need be. The straight path transcends me and PNoy; it is a Filipino ideal that has been there long before we were born, and will remain long after we are gone. Hinahamon tayo ng kasaysayan na isabuhay ang prinsipyong ito; na magpatuloy sa ating paglalakbay; na ipaglaban ang ating mga pangarap bilang lahi.

Mr. President, noong Lunes sa SONA, sabi mo, “Simula pa lang ito; simula pa lang ng dakilang kuwento ng sambayanang Pilipino.”

Ngayon, buong katapatan, buong-loob, at buong-paninindigan kong tinatanggap ang tawag ng Daang Matuwid. Tulad ng sinabi po ninyo, Ginoong Pangulo, “Simula pa lang ito. Laban pa rin tayo.”

Ako si Mar Roxas, tinatanggap ko ang hamon ng ating mga Boss: itutuloy, palalawakin, at ipaglalaban ang Daang Matuwid.



-----------oOo----------
Ang artikulong ito ay halaw mula sa Facebook Page ni Mar Roxas  

Tuesday, July 28, 2015

Gusto mo bang Magdaos ng Botohan sa Mall o Hindi?

Nais malaman ng Commission on Elections o Comelec kung pabor kayo o hindi na magdaos ng botohan sa mga mall

Sa pamamagitan ng isang survey ay nais malaman ng Comelec ang inyong saloobin.

Para lumahok sa survey i-CLICK lang itong ONLINE SURVEY

Thursday, June 18, 2015

Rehistradong Botante Ka Ba?

Malapit na ang OKTUBRE 31, 2015, nagpa-rehistro ka na ba sa Comelec para makaboto sa Mayo 2016?

Sino ang mga kailangang magpa-rehistro? 

  1. Mamamayan ng Pilipinas na 18-anyos pataas.
  2. Residente ng Pilipinas nang di-bababa sa isang taon,
  3. Residente ng pook kung saan mo gustong bumoto nang di-bababa sa anim na buwan, at
  4. Hindi diskuwalipikado ng batas.
Ano ang mga kailangan para makapag-parehistro?

Magdala ng 2 valid identification o ID. Mainam na nakalagay sa ID ang inyong litraro, tirahan at pangalan. Mainam din kung government ID ang inyong gagamitin tulad ng

  • SSS ID
  • GSIS ID
  • Postal ID;
  • Senior Citizen’s ID;
  • PRC ID
  • Driver’s License;
  • NBI/PNP Clearance;
  • Pasaporte;    
  • Integrated Bar of the Philippines ID
  • Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous People
  • Student ID or Library Card na pirmado ng opisyal ng pamunuan ng paaralan                                                                                                                                                                                         Magtungo lamang sa pinaka-malapit na tanggapan ng Comelec sa inyong lugar para makapag-parehistro. TANDAAN hanggang OKTUBRE 31 lang po ito.

Tuesday, June 2, 2015

Paano Nga Ba Bumoto?

Tuwing ikatlong taon, may nagaganap na botohan sa bansa. Ito ang PRESIDENTIAL ELECTIONS at MID-TERM ELECTIONS.

Ang magaganap sa Mayo 2016 ay Presidential elections kung saan maghahalal tayo ng bagong PANGULO na mamumuno sa ating bansa.

Sa dami ng kandidato, mula sa pagka-pangulo, bise-presidente, senador, kongresista, gubernador, bokal, alkalde hanggang sa mga konsehal ng inyong bayan o lungsod, pinaka-mainam nang gawin ang maghanda ng LISTAHAN ng inyong IBOBOTO.

Iyan ay upang maging madali ang inyong pagboto at hindi na kayo malilito o mag-iisip pa habang nasa presinto. Tiyak din na wala kayong makakalimutan kapag may sarili kayong LISTAHAN.

Bilang gabay sa mga BOTANTENG PINOY - bago man o matagal nang botante. Narito ang paraan ng pagboto.


  1. Magtungo sa inyong ELECTION PRECINCT sa bawat paaralan sa inyong lugar.
  2. Kung bagong botante, tingnan sa inyong Comelec ID ang inyong PRECINCT NUMBER o presinto.
  3. Hanapin ang inyong pangalan sa listahan ng rehistradong botante na nakapaskil sa labas ng presinto kung saan kayo boboto.
  4. Tandaan ang numero na katabi ng inyong pangalan sa listahan.
  5. Ipakita ang inyong valid ID sa board of election inspectors.
  6. Bibigyan kayo ng balota kapag nakumpirma na IKAW nga ang rehistradong botante sa listahan.
  7. Itimang mabuti ang BILOG sa balota na katapat ng pangalan ng kandidato na inyong iboboto.
  8. Iwasang MAG-SHADE nang SOBRANG bilog sa bawat posisyon. 
  9. Ipasok ang inyong balota sa PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN o PCOS machines.
  10. Huwag kalimutang bumalik sa BEI para malagyan kayo ng INDELIBLE INK dahil tapos na kayong bumoto.

Sunday, May 31, 2015

Epal Ba, Ika N'yo?

Hindi pa man panahon ng eleksiyon, bumulaga na sa telebisyon ang iba't ibang patalastas ng mga personalidad na maaaring may layuning tumakbo sa eleksiyon 2016.

Nauna na ang commercial ni Senador Alan Peter Cayetano na tumalakay sa kwento ng kabuhayan ni Aling Carmelita Razo. Pondo Laban sa 5-6 ang sentro ng patalastas. Ayon kay Aling Carmelita, nakatulong nang malaki sa kanya ang ipinahiram na puhunan mula sa programa ni Senador Alan Peter Cayetano para makapag-negosyo.



Sumunod nating napanood ang patalastas tungkol kay dating Senador Ping Lacson na sumentro naman sa laban kontra sa PORK BARREL SYSTEM.



Hindi rin nagpahuli si Vice President Jejomar Binay at meron na ring nag-leak na video si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. (Paumanhin wala pa akong ads nila)

Dahil sa mga patalastas na ito ng mistulang maagang pangangampanya, nababansagan silang mga EPALITIKO.

At mismong ang Commission on Elections o Comelec ang humihingi ng tulong sa mga mamamayan laban sa mga EPALITIKO.

Sinabi mismo ng Comelec na walang batas na nagbabawal sa mga posibleng kakandidato na ibenta nang maaga ang sarili nila sa taumbayan.

Pero nasapol ni Comelec Chair Andres Bautista ang paliwanag na HINDI ISYUNG LIGAL ang maagang pangangampanya kundi isang ISYUNG PANG-MORAL. In short, moralidad. etika o ugali ang pinatutungkulan.

Ngayon, mga Botanteng Pinoy, kayo na ang HUMUSGA!



Saturday, May 30, 2015

Botanteng Pinoy

Isa ako sa 52 milyong rehistradong botante sa Pilipinas. Nilikha ko ang blog na ito upang makatulong sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa proseso ng pagboto at ng eleksiyon sa kabuuan.

Bukod sa mga impormasyon mula Commission on Elections o Comelec, mababasa rin sa blog na ito ang mga kaalaman tungkol sa iba't ibang mga partido na lalahok sa 2016 national elections.

Ang blog na ito ay malayang tatalakay sa iba't ibang isyu kaugnay ng halalan. Isyu na ang mga botante na mismo ang iintindi at hihimay nang naaayon sa inyong paniniwala. 

Isa lang ang pakiusap ko sa mga kapwa Botanteng Pinoy. Tayo ang may hawak ng kapangyarihan na maghalal ng ating pinuno. Nawa'y isipin at timbangin nating mabuti kung sino ang iluluklok natin sa pwesto para na rin sa ating mga anak, para sa ating pamilya, para sa ating kapwa at higit sa lahat para ating inang bansa, ang Pilipinas.

Mabuhay ang mga Botanteng Pinoy!