Sunday, May 31, 2015

Epal Ba, Ika N'yo?

Hindi pa man panahon ng eleksiyon, bumulaga na sa telebisyon ang iba't ibang patalastas ng mga personalidad na maaaring may layuning tumakbo sa eleksiyon 2016.

Nauna na ang commercial ni Senador Alan Peter Cayetano na tumalakay sa kwento ng kabuhayan ni Aling Carmelita Razo. Pondo Laban sa 5-6 ang sentro ng patalastas. Ayon kay Aling Carmelita, nakatulong nang malaki sa kanya ang ipinahiram na puhunan mula sa programa ni Senador Alan Peter Cayetano para makapag-negosyo.



Sumunod nating napanood ang patalastas tungkol kay dating Senador Ping Lacson na sumentro naman sa laban kontra sa PORK BARREL SYSTEM.



Hindi rin nagpahuli si Vice President Jejomar Binay at meron na ring nag-leak na video si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. (Paumanhin wala pa akong ads nila)

Dahil sa mga patalastas na ito ng mistulang maagang pangangampanya, nababansagan silang mga EPALITIKO.

At mismong ang Commission on Elections o Comelec ang humihingi ng tulong sa mga mamamayan laban sa mga EPALITIKO.

Sinabi mismo ng Comelec na walang batas na nagbabawal sa mga posibleng kakandidato na ibenta nang maaga ang sarili nila sa taumbayan.

Pero nasapol ni Comelec Chair Andres Bautista ang paliwanag na HINDI ISYUNG LIGAL ang maagang pangangampanya kundi isang ISYUNG PANG-MORAL. In short, moralidad. etika o ugali ang pinatutungkulan.

Ngayon, mga Botanteng Pinoy, kayo na ang HUMUSGA!



2 comments:

  1. Meron na po tayong online survey na walang bayad at actual na makikita natin agad ang resulta dahil ito ay real time na walang dayang survey... i click ang page sa ibaba at bumoto upang mapasama sa bilang...
    http://botantengpinoy.com

    ReplyDelete
  2. Meron na po tayong online survey na walang bayad at actual na makikita natin agad ang resulta dahil ito ay real time na walang dayang survey... i click ang page sa ibaba at bumoto upang mapasama sa bilang...
    http://botantengpinoy.com

    ReplyDelete