Tuesday, June 2, 2015

Paano Nga Ba Bumoto?

Tuwing ikatlong taon, may nagaganap na botohan sa bansa. Ito ang PRESIDENTIAL ELECTIONS at MID-TERM ELECTIONS.

Ang magaganap sa Mayo 2016 ay Presidential elections kung saan maghahalal tayo ng bagong PANGULO na mamumuno sa ating bansa.

Sa dami ng kandidato, mula sa pagka-pangulo, bise-presidente, senador, kongresista, gubernador, bokal, alkalde hanggang sa mga konsehal ng inyong bayan o lungsod, pinaka-mainam nang gawin ang maghanda ng LISTAHAN ng inyong IBOBOTO.

Iyan ay upang maging madali ang inyong pagboto at hindi na kayo malilito o mag-iisip pa habang nasa presinto. Tiyak din na wala kayong makakalimutan kapag may sarili kayong LISTAHAN.

Bilang gabay sa mga BOTANTENG PINOY - bago man o matagal nang botante. Narito ang paraan ng pagboto.


  1. Magtungo sa inyong ELECTION PRECINCT sa bawat paaralan sa inyong lugar.
  2. Kung bagong botante, tingnan sa inyong Comelec ID ang inyong PRECINCT NUMBER o presinto.
  3. Hanapin ang inyong pangalan sa listahan ng rehistradong botante na nakapaskil sa labas ng presinto kung saan kayo boboto.
  4. Tandaan ang numero na katabi ng inyong pangalan sa listahan.
  5. Ipakita ang inyong valid ID sa board of election inspectors.
  6. Bibigyan kayo ng balota kapag nakumpirma na IKAW nga ang rehistradong botante sa listahan.
  7. Itimang mabuti ang BILOG sa balota na katapat ng pangalan ng kandidato na inyong iboboto.
  8. Iwasang MAG-SHADE nang SOBRANG bilog sa bawat posisyon. 
  9. Ipasok ang inyong balota sa PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN o PCOS machines.
  10. Huwag kalimutang bumalik sa BEI para malagyan kayo ng INDELIBLE INK dahil tapos na kayong bumoto.

No comments:

Post a Comment