Thursday, June 18, 2015

Rehistradong Botante Ka Ba?

Malapit na ang OKTUBRE 31, 2015, nagpa-rehistro ka na ba sa Comelec para makaboto sa Mayo 2016?

Sino ang mga kailangang magpa-rehistro? 

  1. Mamamayan ng Pilipinas na 18-anyos pataas.
  2. Residente ng Pilipinas nang di-bababa sa isang taon,
  3. Residente ng pook kung saan mo gustong bumoto nang di-bababa sa anim na buwan, at
  4. Hindi diskuwalipikado ng batas.
Ano ang mga kailangan para makapag-parehistro?

Magdala ng 2 valid identification o ID. Mainam na nakalagay sa ID ang inyong litraro, tirahan at pangalan. Mainam din kung government ID ang inyong gagamitin tulad ng

  • SSS ID
  • GSIS ID
  • Postal ID;
  • Senior Citizen’s ID;
  • PRC ID
  • Driver’s License;
  • NBI/PNP Clearance;
  • Pasaporte;    
  • Integrated Bar of the Philippines ID
  • Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous People
  • Student ID or Library Card na pirmado ng opisyal ng pamunuan ng paaralan                                                                                                                                                                                         Magtungo lamang sa pinaka-malapit na tanggapan ng Comelec sa inyong lugar para makapag-parehistro. TANDAAN hanggang OKTUBRE 31 lang po ito.

1 comment:

  1. Meron na po tayong online survey na walang bayad at actual na makikita natin agad ang resulta dahil ito ay real time na walang dayang survey... i click ang page sa ibaba at bumoto upang mapasama sa bilang...
    http://botantengpinoy.com

    ReplyDelete