Sunday, February 21, 2016

Watch Pilipinas Debates by GMA Network and Inquirer

Ang makasaysayan at kauna-unahang debate ng mga kandidato sa pagka-Pangulo matapos ang dalawang dekada at kauna-unahang ginawa sa labas ng Metro Manila. Panoorin ang Pilipinas Debates na ginanap sa Capitol University sa Cagayan de Oro City sa pangunguna ng Comelec. Ang GMA Network at Philippine Daily Inquirer ang tumayong hosts ng programa.

Saturday, January 30, 2016

Partnership ng Comelec sa Twitter at Facebook



Para masigurong mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng impormasyon tungkol sa Eleksiyon 2016, nakipag-partner ang Comelec sa pamunuan ng Twitter at Facebook.

Naisip ng Comelec na makipag-ugnayan sa dalawang social networking sites upang lalong mapadali para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa nalalapit na Presidential elections.

Maaari ring gamitin ang nasabing mga social networking sites upang isumbong ang ano mang iregularidad tuwing eleksyon sa kanilang nasasakupan. Sa ganitong paraan mas mabilis na maitatala at maaksiyunan ang mga pangyayaring 'di kanais-nais tuwing eleksiyon.

I-like ang Comelec Facebook Page
I-like ang Comelec Twitter Account 

Friday, January 22, 2016

Listahan ng mga Kandidato sa Eleksiyon 2016 na Binubusisi pa ng Comelec

Narito ang listahan ng mga kandidato sa 2016 elections - Presidentiables, Vice Presidentiables at Senatoriables.

Nilinaw ni Comelec Chairman Andres Bautista na hindi pa ito ang pormal o pinal na listahan ng mga kandidato sa darating na eleksiyon.

Patuloy pang binubusisi ng Comelec ang kwalipkasyon ng mga personalidad sa listahan. Ilan din sa mga ito ay mayroon pang nakabimbing kaso ng diskwalipikasyon sa hukuman.


PRESIDENT

  1. BINAY, JOJO (UNA)
  2. DEFENSOR SANTIAGO, MIRIAM (PRP)
  3. DUTERTE, RODY (PDPLBN)
  4. MENDOZA, MEL (PMP)
  5. POE, GRACE (IND)
  6. ROXAS, MAR DAANG MATUWID (LP)
  7. SEÑERES, ROY (WPPPMM)
  8. VALENCIA, DANTE (IND)

VICE-PRESIDENT

  1. CAYETANO, ALAN PETER (IND)
  2. ESCUDERO, CHIZ (IND)
  3. HONASAN, GRINGO (UNA)
  4. MARCOS, BONGBONG (IND)
  5. ROBREDO, LENI DAANG MATUWID (LP)
  6. TRILLANES, ANTONIO IV (IND)

SENATOR

  1. ALBANI, SHARIFF (IND)
  2. ALI, ALDIN (WPPPMM)
  3. ALUNAN, RAFFY (IND)
  4. AMBOLODTO, INA (LP)
  5. AQUINO, TONYBOY (IND)
  6. ARQUIZA, GODOFREDO (IND)
  7. BALIGOD, LEVITO (IND)
  8. BELGICA, GRECO (IND)
  9. BELLO, WALDEN (IND)
  10. CAM, SANDRA (PMP)
  11. CATMON, JOEL (PGRP)
  12. CHAVEZ, MEL (WPPPMM)
  13. COLMENARES, NERI (MKBYN)
  14. DE LIMA, LEILA (LP)
  15. DOMAGOSO, ISKO MORENO (PMP)
  16. DORONA, RAY (IND)
  17. DRILON, FRANK (LP)
  18. GADON, LARRY (KBL)
  19. GATCHALIAN, WIN (NPC)
  20. GORDON, DICK (IND)
  21. GUINGONA, TG (LP)
  22. HONTIVEROS, RISA (AKBYN)
  23. JAAFAR, PRINCESS ANGEL (IND)
  24. KABALU, EID (IND)
  25. KAPUNAN, ATTY. LORNA (AKSYON)
  26. KIRAM, PRINCESS JACEL (UNA)
  27. LACSAMANA, ALMA MORENO (UNA)
  28. LACSON, PANFILO (IND)
  29. LAGARE, MR. JUROR (IND)
  30. LANGIT, REY (UNA)
  31. LAPID, MARK (AKSYON)
  32. LIBAN, DANTE (IND)
  33. MAGANTO, ROMEO (LAKAS)
  34. MANZANO, EDU (IND)
  35. MONTANO, ALLAN (UNA)
  36. MONTAÑO, MON (IND)
  37. NAPEÑAS, GETULIO (UNA)
  38. OPLE, SUSAN (NP)
  39. OROZCO, EMMA (IND)
  40. OSMEÑA, SERGIO III (IND)
  41. PACQUIAO, MANNY (UNA)
  42. PAEZ, MR. COOP (IND)
  43. PAGDILAO, SAMUEL (IND)
  44. PALPARAN, JOVITO JR. (IND)
  45. PANGILINAN, KIKO (LP)
  46. PETILLA, CARLOS JERICHO (LP)
  47. RECTO, RALPH (LP)
  48. RODRIGUEZ, ROGER (IND)
  49. ROMUALDEZ, MARTIN (LAKAS)
  50. ROMULO, ROMAN (IND)
  51. SANTIAGO, DIONISIO (IND)
  52. SOTTO, VICENTE (NPC)
  53. TOLENTINO, FRANCIS (IND)
  54. VALEROSO, DIOSDADO (IND)
  55. VILLANUEVA, JOEL TESDAMAN (LP)
  56. ZUBIRI, MIGZ (IND)

Sunday, January 10, 2016

Election Gun Ban

Simula na ng pagpapatupad ng election gun ban mula Enero 10, 2016 hanggang Hunyo 8, 2016.

BAWAL ang pagdadala o pagbiyahe ng baril o anumang deadly weapons, may lisensiya man o wala.



Sinumang mahuli na lumabag dito ay:

  • Maaaring makulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit sa anim na taon.
  • Maaari ring hindi na makaboto.
  • Diskwalipikado na sa anumang posisyon sa gubyerno.
  • Kung dayuhan ang mapatutunayang nagkasala, ipatatapon ito pabalik sa bansang pinanggalingan matapos ang kanyang sentensiya.
  • Kakanselahin ang permit o lisensiya ng baril.