Saturday, January 30, 2016

Partnership ng Comelec sa Twitter at Facebook



Para masigurong mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng impormasyon tungkol sa Eleksiyon 2016, nakipag-partner ang Comelec sa pamunuan ng Twitter at Facebook.

Naisip ng Comelec na makipag-ugnayan sa dalawang social networking sites upang lalong mapadali para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa nalalapit na Presidential elections.

Maaari ring gamitin ang nasabing mga social networking sites upang isumbong ang ano mang iregularidad tuwing eleksyon sa kanilang nasasakupan. Sa ganitong paraan mas mabilis na maitatala at maaksiyunan ang mga pangyayaring 'di kanais-nais tuwing eleksiyon.

I-like ang Comelec Facebook Page
I-like ang Comelec Twitter Account 

No comments:

Post a Comment